In Support to Blog Action Day 2009 - Condemn Con-Ass!
This is a repost in the spirit of my solidarity w/ the patriots of Bloggers Kapihan on the Blog Action Day versus #conass. Let’s not just say “no” to con-ass. Let’s resist and fight it in anyway we can. Let’s condemn con-ass!
No to coarse Con-Ass!
The controversial HR 1109 is just to jump-start PGMA and her cohorts’ agenda to revised the 1987 Constitution, not for the sake of the common good but for their own vested interests. By August 2009 ang main action ng cha-cha. Kapag di tayo nag-ingay at umaksyon ngayon hanggang katapusan ng Hulyo, siguradong lagpas 2010 pang lider-lideran si Gloria Arroyo.
Garapalan nang bastusan ang ginagawa nila sa Kamara. Ni hindi pinatapos magsalita ang mga kinatawan na kontra sa reso. Kaya sila nakaupo sa Kamara ay dahil binoto sila ng kanilang mga kalugar. Nandoon sila dahil maraming Filipino ang bumoto para sa kanila. Tapos pipigilang magsalita, binubusulan ang bibig ng mga bumoto sa kanila. Bastusan na, garapalan na.
Binabastos na rin nila ang senado, binabalewala. Kahit daw wala ang mga senador, may K sila magbago ng Saligang Batas. Ang liwanag nyan sa transcript ng reso, yan ang gusto nilang palabasin, may mga quote-quote pang nalalaman ang mga tinamaan ng magaling.
Granting with out conceding that the Charter needs to be revised pero tama ba yang paraan nila? Na ipagpilitan ang con-ass sa garapalang paraan? Ni hindi nga nila alam kung ano ang susunod nilang gagawin, aminado sila. Iilan lang sila ang makakapagpatunay na kinunsulta nila ang kanilang mga botante. Bistado naman na gusto nilang palawigin ang kapit nila sa pwesto lalo na si pandak kaya minamadali nila yang con-ass.
Di na dapat tantanan yang mga yan. Tuloy-tuloy na protesta dapat hanggang mapatalsik ang mga trapo. Sa pinakita nitong mga tinamaan ng magaling na kawatan, este kinatawan, sa pagpapatibay ng reso 1109, mismong taumbayan na garapalang binabastos nila, ginagawa tayong tanga. Sobrang abuso na, papabayaan na lang ba natin?
They claim that passing the House Resolution 1109 viva voce in such unholy hour of the night is transparency. I say it’s obscene and indecency.
Wish ko lang, wag nang magwalang-bahala, wag nang maging tagamasid lang ang mga professionals, the youth, the middle class, and our nationalist soldiers in the AFP. I say it’s high time we take matters in our hands.

July 26th, 2009 at 8:56 pm
[...] Lakan’s Blog: In Support to Blog Action Day 2009 – Condemn Con-Ass! [...]
July 26th, 2009 at 9:26 pm
[...] Lakan’s Blog: In Support to Blog Action Day 2009 – Condemn Con-Ass! [...]
July 27th, 2009 at 12:11 am
[...] Lakan’s Blog: In Support to Blog Action Day 2009 – Condemn Con-Ass! [...]
July 27th, 2009 at 6:46 am
[...] Lakan’s Blog: In Support to Blog Action Day 2009 – Condemn Con-Ass! [...]
July 29th, 2009 at 5:50 pm
[...] Lakan’s Blog: In Support to Blog Action Day 2009 – Condemn Con-Ass! [...]