Friendster Blog of Vins aka Lakan, Angel77, and Zync


Mabuhay ang Kalayaan ng Pilipinas!

Watawat_ng_Pilipinas

Watawat_ng_Pilipinas

Mabuhay ang Kalayaan ng Pilipinas! Isang marubdob na pagbati sa lahat kong kababayan sa ating paggunita at pagdiriwang ng ika-111 Kaarawan ng Kasarinlan ng Pilipinas.

Atin sanang gunitain at pahalagahan ang kabayanihan at kagitingan ng ating mga ninuno sa kanilang pagbubuwis ng buhay sa altar ng kasarinlan upang ating malasap ang sarap ng kalayaan.

Ating itaguyod ang diwa ng Himagsikan 1898 - paghihimagsik ng taumbayan laban sa pang-aabuso, pangangamkam, pandarambong, paghaharian at paglapastangan ng mga may kapangyarihan sa pagkatao at karapatan ng karaniwang mamamayan.

Ating gampanang tapat ang ating mga tungkulin bilang mabuting mamamayang Pilipino. Bantayan at ingatan po natin ang ating kasarinlan at kalayaan.

Mabuhay ang Pilipino!